Bakit ganoon? Sa tuwing magpopost ako ngayong gabi pahabol sa araw ng kababaihan laging nagkakaproblema yata ang wp-admin ko. Una kasabay ng pagsubok kong magpost ay bumandera sa TV ang balitang limang beses napahiya si Tita Glo sa women's congress, gaga si tita glo ang hina ng pandama ni hindi nya alam na mga gov't employees ang mga kaharap nya. Mukhang wala sa wisyo, siguro maaga ang naging selebrasyon nila ni Tito Jose este ni Tito Mike pala.
Tapos mawala sa harapan ko si tita Glo, nagbukas ulit ang blog ko. Pangalawang subok gusto kong kunin yung picture sa iGMAnews bawal pala, ctl printscreen ko, kuha ko sya kaya lang naguilty ako baka ..di na lang.
Tsk tsk tsk..... di ako nakahabol s women's day. Hindi ko nasabing SALUDO AKO SA MGA KABABAIHAN SAAN MANG SULOK NG MUNDO!